#100.
Unawain at analisahin ang sumusunod na tanong mula sa kwentong “Ang Kalupi” Tukuyin ang layuning nakasaad sa naturang tanong ng guro.
“Kung ikaw si Aling Marta, huhusgahan mo rin ba ang iyaong kapwa batay sa mg hinala na di mo naman aktwal na nakita?”
A
Napahahalagahan ang kaangupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng impormasyon nakalahad sa teksto.
B
Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa nahangong kaisipan sa binasang teksto
C
Nahahango ang diwa ng kwento tungo sa pagbuo ngbuod nito.
D
Naihahambing ang kaisipang ipinapahayag sa teksto sa tulong ng pamantayang pansarili mula sa guro at sa ibang tao.
Answer: Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa nahangong kaisipan sa binasang teksto
#101.
Kung bubuo ng isang aytem ng pagsusulit na interdisciplinary para sa Filipino at matematika, anong lunsarang talaan ang maaring gamitin na higit na makagaganyak at magiging kapaki-pakinabang para sa mga mag-aaral?
Pamasahe sad yip sa iba’t ibang ruto
Pagbabayet ng allowance at pamalengke
Istadistika ng populasyon sa boung mundo
Mga bayarin tulad ng kuryente, tubig at iba pa
A
Tambilang 1,2,3 at 4
B
Tambilang 1,2 at 4
C
Tambilang 2,3 at 4
D
Tambilang 1,2 at 3
Answer: Tambilang 1,2 at 4
#102.
Sa kasalukuyan ay masugid na isinusulong ang intergratibong anyo at uri sa pagsusulit. Ibigay ang pagkakaiba ng tradisyunal at awtenikong pagsusulit.
A
Ang una ay sumusukatt sa kasanayang naipapamalas samantala ang huli ay pagtataya sa kasanayang pamgpag-iisip at kaalamang natamo o natandaan
B
Ang unsa ay gamitin samantala ang ikalawa ay madalang gamitin
C
Ang una ay nasusulat samantala ang huli ay di-nasusulat
D
Ang una ay sinauna samantala ang huli ay modern
Answer: Ang una ay sumusukatt sa kasanayang naipapamalas samantala ang huli ay pagtataya sa kasanayang pamgpag-iisip at kaalamang natamo o natandaan
#103.
Ang kagamitang pampagtuturo a nagtataglay ng mga gabay sa guro at kanyang mag-aaral at tumitiyak sa kagalingan pampagkatuto. Ang mga sumsunod na konsepto ay nagpapahayag ng katuturan ng kagamitang pampagtuturo maliban sa isa.
A
Kahusayan ng guro sa paglinang ng kasanayan
B
Paraan ng pagtuturo kaugnay ng teknik at pamamaraan
C
Teknik napaglalapat at pagsasanay
D
Nilalamanna dapat matutunan
Answer: Kahusayan ng guro sa paglinang ng kasanayan
#104.
Ito ang anyo ng kagamitang pampagtuturo – pampagkatuto na buo at ganap sa kanyang sarili at naglalahad ng mga tiyak na akdang Gawain sa kaparaanang sistematiko at kontrolado.
A
Modyul
B
Batayang Aklat
C
Sanggunian aklat
D
Manwal
Answer: Modyul
#105.
Sa pagtuturo ng aralin sa paglalarawan , pinlano ni Titser Jess na gamiting lunsaran ang mga ipinagmalaking tanawin sa Pilipinas. Anong kagamitang panturo ang pinakamisang maimumungkahi sa kanya?
A
Makukulay na larawan sa tulong ng overhead projector
B
Bagong edisyon ng magaing pampaglalakbay
C
Vidyo ng dokumentaryong pampaglalakbay na ihanda ng kagawarang ng turismo
D
Isinateyp na karanasan ng mga turistang nakatungo na sa mga ito
Answer: Vidyo ng dokumentaryong pampaglalakbay na ihanda ng kagawarang ng turismo
#106.
Kung gagamitin ang pelikula bilang kagamitang pantulong sa pagtuturo ng wika, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga inilahad na panununtunan?
A
Patuloy na paggabay ng guro sa klase ng kanilang panonood at pagbibigay ng ilang paglilinaw sa ilang isyu o konseptong hango sa ilang bahagi ng kwento
B
Pagpanood ng buo pelikula habang ang guro ay abala sa ibang gawaing pangklase
C
Paunang pinapanood ng guro ang pelikulang gagamitin upang ibayong maihanda ang mga gabay tanong hinggil sa pagtalakay ng mahahalagang tagpo
D
Pagbibigay ng inaasahang panuntunan tungo sa wastong paglalahad ng Gawain
Answer: Patuloy na paggabay ng guro sa klase ng kanilang panonood at pagbibigay ng ilang paglilinaw sa ilang isyu o konseptong hango sa ilang bahagi ng kwento
#107.
Naging laganap sa pagtuturo ng wika ang paggamit ng pinalatuntunang kagamitan bilang serye ng mga aralin at kaalaman na maingat na iniayos sa lohikal na pagkabuo.
Ano ang katotohanan sa likod nito?
Ang pinalatuntunang kagamitan ay nakatutulong sa pagbibigay lunas sa suliranin sa kakulangan ng silid-aralan at gurong magtuturo
Nakapagbibigay ito ng pagkakatong makahabot sa gawaing pangklase ang mag –aaral na lumiban noong nakaraang talakayan
Isa itong panlunas na Gawain sa mga mag-aaral na may mabagal na antas ng pagkatuto
Maituturing ito na isang estratehiya para sa mga mag-aaral na may mabilis na antas ng pagkatuto habang hinihintay ang karamiahansa iba pang gawain
A
I at II lamang
B
III at IV lamang
C
I,II at III lamang
D
I,II, III at IV
Answer: I,II, III at IV
#108.
Sa paggamit ng pinalatuntunang kagamitan, kadalasan ay binibigyan ng guro ng pabuya o pagbati ang mga mag-aaral sa bawat wastong tugon sa mas matibay na pundasyon ng pagkatuto. Ito ay halaw sa simulang __________ .
A
Pagbibigay pahiwatig (Cueing/prompting)
B
Aktibong pagtugon (Active Responding)
C
Supil na gawi (Controlled behavior)
D
Pagpaptibay (Reinforcement )
Answer: Pagpaptibay (Reinforcement )
#109.
Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakabalankas ng pangkat ng kagamitan panturo?
A
Minamasid – pelikula, eksibit, eksursyon.
B
Ginagawa-balangkas berbal, simbolong biswal
C
Sinasagisag- binalangkas na karanasan tuwirang karanasan
D
Pinakilahukan- modelo, virtwal reyaliti, reyalya
Answer: Minamasid – pelikula, eksibit, eksursyon.
#110.
Pag ugnayin ang istilong pampagkatuto at angkop na kagamitang pampagtuturo na matatagpuan sa loob ng talahanayan sa ibaba. Piliin ang may tamang pagkakaugnay.
ISTILO NG PAKATUTO
KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
1. Analitik
A. Larong pangwika
2. Global
B.Eksibit
3. Biswal
C. Pakikipanayam
4. Kinestetik
D. Ekskursyun
A
3-B
B
1-A
C
2-D
D
4-C
Answer: 3-B
#111.
Ang banghay-aralin ang maituturing na pinakapangunahing kagamitan ng guro bilang gabay sa pagtuturo tungo sa layuning pampagkatuto . Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kahalagahan nito?
Pagtataya sa pamamaraaan ng guro s kanyang pagututuro
Gabay ng pansamantalang kahalili ng guro sa panahong siya ay liban
Natitiyak ang pagkakasunod ng mga aralin at gawaing batay sa kaugnay na layunin
Natutugunan ang hinihinhing kailangan sa pagtuturo bilang isang responsibilidad
A
Tambilang 1,2, at 4
B
Tambilang 1,3, at 4
C
Tambilang 2,3, at 4
D
Tambilang 1,2, at 3
Answer: Tambilang 1,2, at 3
#112.
Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing pamantayan sa paghahanda ng edukasyon pangmidya o kagamitang teknolohikal ?
A
Teknikaliti
B
Kaanyuan
C
Kapanahunan
D
Kaangkupan
Answer: Kaangkupan
#113.
Kailan maaaring makabuluhang magamit ng mga mag-aaral ang internet sa kanilang klase kung aralin ay tungkol sa pagsusulat ng liham?
A
Pagpapadala ng ginawang lihan sa kinauukulan gamit ang e-mail nito at paghintay sa maaaring pagtugon
B
Pagscan at pagprint ng mga ginawang liham na taglay ang mga mekanismo nito
C
Pagdownload ng mga modelong halimbawa ng lihan mula sa ilang
D
Pagpopost sa facebook account ng ginawang liham para sa kaalaman ng madla.
Answer: Pagpapadala ng ginawang lihan sa kinauukulan gamit ang e-mail nito at paghintay sa maaaring pagtugon
#114.
Ang mga sumusunod a mga panununtunan na dapat isaalang-alang sa tamang paghahanda ng slides para sa LCD projector na makatutulong sa mas malawakang pag-unawa at pagkatuto ng mga mag-aral maliban sa isa.
A
Iba’t ibang effect pormat at disensyo sa bawat slide
B
Magkakontrast na kulay ng front sa kulay na background
C
Mailkli at yaong mahahalagang konsepto lamang ang mga salitang nakalahad sa bawat slide
D
Malalaki ang sukat ng front para nababasa at nauunawaan
Answer: Iba’t ibang effect pormat at disensyo sa bawat slide
#115.
Kung gagamit ng teknolohikal na kagamitan panturo sa paglalahad ng aralin sa iba’t ibang klase na inangkupan ng halimbawa ng telenobelang napapanahon, ano ang maaring maimungkahing mabisang gamitin?