Education Exams (Educ Fil) – Page 1

#0. Sinabi ni Carlos P. Romulo sa isa niyang akda, “Ang Pilipino ay may dugong maharlika.” Ano ang kahulugan nito?
A Ang Pilipino ay sadyang mabuti ang budhi.
B Ang Pilipino ay galing sa mayamang lahi
C Ang Pilipino ay madaling maipagbili
D Ang Pilipino ay nanggaling sa malayang lahi
Answer: Ang Pilipino ay nanggaling sa malayang lahi
#1. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
A Ang kabataan ay naglalaro kung maliwanag ang buwan at nagtatakbuhan sa lansangan.
B Ang mga kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan kung maliwanag ang gabi.
C Ang mga kabataan sa lansangan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan.
D Ang mga kabataan kung maliwanag ang buwan ay nagtatakbuhan sa lansangan at naglalaro.
Answer: Ang mga kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan kung maliwanag ang gabi.
#2. Piliin ang gawi ng pagsasalita: Kasiyahan ko nang makitang kayo’y nagmamahalan.
A Pagkontrol ng kilos
B Pagbabahagi ng damdamin
C Pagkuha ng impormasyon
D Pangarap
Answer: Pagbabahagi ng damdamin
#3. Ang kaugnayan ng pagkakapatay kina Burgos, Gomez at Zamora sa panitikang Pilipino ay
A Nanatiling masigla ang diwang Pilipino
B Natutong lumabag sa batas at lumaban sa may kapangyarihan ang mga Pilipino
C Naimpluwensyahan ang diwang alipin ng mga Pilipino
D Nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino
Answer: Nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino
#4. Laging UMUUKILKIL sa isipan ng ama ang nasirang pangako ng anak.
A Gumugulo
B Bumubuhay
C Sumasagi
D Sumasapi
Answer: Gumugulo
#5. Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ay gulong-gulo kapag may giyera sa ibang bansa. Ano ang unang ginagampanan ng ambassador ng bansa?
A Alamin ang mga tirahan ng mga Pilipino sa bayang iyon.
B Ipunin ang mga maykaya at ipalipad pauwi.
C Bayaang magsipag-uwian sa sariling sikap ang bawat isa
D Bilangin ang mga nasugatan at nasawi
Answer: Alamin ang mga tirahan ng mga Pilipino sa bayang iyon.
#6. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Bumili ng bagong sasakyan si Angelo”?
A Pokus sa kagamitan
B Pokus sa aktor
C Pokus sa sanhi
D Pokus sa direksyon
Answer: Pokus sa aktor
#7. Kabaliwan at paglulustay ang inyong ginagawa taon-taon. Higit na marami ang maralitang nangangailangan ng salapi at dunong. Ang nagsasalita ay
A Matipid
B Praktikal
C Maramot
D Kuripot
Answer: Praktikal
#8. Nasa anong kaganapan ng pandiwa ang pangungusap?
Naglaro ng basketball sa Rizal Stadium ang koponan ng aming pamantasan.
A Kagamitan
B Ganapan
C Tagaganap
D Sanhi
Answer: Ganapan
#9. Sa aling salita magkakaroon ng saglit na paghinto kung pinagpipilitang si Rose ang nakabasag ng pinggan?
Hindi si Rose ang nakabasag ng pinggan.
A Rose
B Pinggan
C Hindi
D Nakabasag
Answer: Hindi
#10. Anong tayutay ang tinutukoy sa pahayag. Durog ang katawang bumagsak sa semento si Miguel.
A Pagbibigay katauhan
B Pagwawangis
C Pagmamalabis
D Pagtutulad
Answer: Pagmamalabis
#11. Sino ang pinagkalooban ng karangalan bilang “Unang Tunay na Makata” noong 1708?
A Felipe de Jesus
B Jose dela Cruz
C Francisco Balagtas
D Jose Corazon de Jesus
Answer: Felipe de Jesus
#12. “Magtatrabaho ako at ikaw ay mag-aaral upang makatapos ka ng pag-aaral.” Anong uri ng pangungusap ito?
A Payak
B Langkapan
C Hugnay
D Tambalan
Answer: Langkapan
#13. Mag-aalas-singko na _____ umaga _____ magising siya.
A nang – nang
B ng – nang
C ng – ng
D nang – kapag
Answer: ng – nang
#14. Ang butong tinangay ng aso, walang pagsalang nalawayan ito. Ang kaisipang ito ay tumutukoy sa katotohanan ng ______.
A Pakikipagkaibigan
B Pagpapakasal
C Pagnanakaw
D Pagtatanan
Answer: Pagtatanan
#15. Anong uri ng pagbigkas ang salitang “dambuhala”?
A Mabilis
B Malumi
C Maragsa
D Malumay
Answer: Malumi
#16. Ang katawagan sa pangngalan, pang-abay, pang-uri at pandiwa ay?
A Palaugnayan
B Pangnilalaman
C Pangkayarian
D Palabuuan
Answer: Pangnilalaman
#17. Ang panukalang inihain niya ay lubhang malalim at mahirap arukin.
A Abutin
B Tanggalin
C Unawain
D Sukatin
Answer: Unawain
#18. Ang wikang Filipino ay hawig sa mga wika sa Asya. Alin dito ang pinagmulan ng wikang Filipino?
A Nihonggo
B Bahasa
C Malayo-Polinesyo
D Mandarin
Answer: Malayo-Polinesyo
#19. Ano ang katumbas ng “Dekalogo” ni Apolinario Mabini na nagsasaad ng aral sa Filipino?
A Mosaic Law
B Code of Ethics ni Kalantiaw
C New Society ni Pres. Marcos
D Code of Citizenship ni Pres. Quezon
Answer: Mosaic Law