Education Exams (Educ Fil) – Page 2

#20. Siya ay hinirang na taga-sensus ng bahay-bahay. Ano ang kanyang nalikom?
A Ang bilang ng tao sa bahay
B Ang kayamanan ng may-bahay
C Ang datos tungkol sa mga naninirahan sa bawat bahay
D Ang datos tungkol sa mga bata sa bawat bahay
Answer: Ang datos tungkol sa mga naninirahan sa bawat bahay
#21. Kami ang kabataang siyang magiging pag-asa ng bayan. Paano ginamit ang salitang may salungguhit?
A Pagpuri
B Pagtukoy
C Panghalip
D Pagmamalaki
Answer: Pagtukoy
#22. Walang tubig kahapon. Ito ay pangungusap na:
A Walang paksa
B May paksa
C May panaguri
D Walang pandiwa
Answer: Walang paksa
#23. Ipinagmamalaki mo siya, BAHAG naman pala ang kanyang BUNTOT. Ang ibig sabihin ng salitang may malaking titik ay:
A Kuripot
B Duwag
C Mahiyain
D Traydor
Answer: Duwag
#24. Sabihin ang gawi ng pananalitang ito: “Bawal tumawid, may namatay na dito!
A Babala
B Pananakot
C Pagtukoy
D Paalala
Answer: Babala
#25. Pinakamahalagang nobelang Pilipino sa maraming taon na nalimbag noong 1906 at tumalakay nang masinsinan sa paksang puhunan laban paggawa at sa sosyalismo ang _____.
A Luha ng Buwaya
B Pangginggera
C Banaag at Sikat
D Ibong Mandarag
Answer: Banaag at Sikat
#26. Ayon kay Balagtas, “ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad” kaya ang mga bata ay
A nakapagtatapos sa pag-aaral
B nag-aartista
C jeproks
D hindi sumusunod sa magulang
Answer: hindi sumusunod sa magulang
#27. Noong taong 1962, ano ang pagbabago sa paglimbag ng diploma at sertipiko ng pagtatapos?
A Nilimbag sa Tagalog ang diploma sa di-Tagalog na bayan
B Nalimbag sa Filipino ang diploma
C Nilimbag sa Filipino ang diploma ngunit may Ingles
D Pinahihintutan ang pribadong paaralan na maglimbag sa wikang Ingles
Answer: Nalimbag sa Filipino ang diploma
#28. Ang gintong panahon ng mga manunulat noong panahon ng Amerikano ay batid sa uring
A Sanaysay
B Panulaan
C Maikling kwento
D Nobela
Answer: Maikling kwento
#29. Alin sa mga sumusunod ang may wastong gamit ng tinig ng pandiwa?
A Ang hinog na papaya na kinuha sa puno ni Marie.
B Kinuha sa puno ang hinog na papaya ni Marie.
C Papayang hinog ang kinuha sa puno ni Marie.
D Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno.
Answer: Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno.
#30. Hindi totoo ang katapangan na ipinapakita ni Vincent sa harap ni Lalie sapagkat BAHAG ANG BUNTOT niya sa harap ng paghihirap.
A Matiyaga
B Malakas ang loob
C Duwag
D Matapang
Answer: Duwag
#31. NAG-ALSA BALUTAN si Claudia dahil sa malimit umanong pananakit ni Reymar.
A Nagmaktol
B Nagtago
C Lumayas
D Nagtampo
Answer: Lumayas
#32. Ang ________________ ng mga Nars ay dininig ng komite kahapon.
A Pakiusap
B Ipakiusap
C Pakikipag-usap
D Pakiusapan
Answer: Pakiusap
#33. Lumapit si Prink kay Eadji at sinabing, “ __________ mo si Landon ng pagkain sa kusina.”
A Utusan
B Hanapan
C Kunan
D Kunin
Answer: Kunan
#34. Nakatulog si Jana sa kanilang opisina dahil sa HIMINGTING ng kapaligiran. Ano ang kahulugan ng salita na nasa malalaking letra?
A Kapayapaan
B Lakas ng hangin
C Kaingay
D Katahimikan
Answer: Katahimikan
#35. Ang sentro ng pagdiriwang ng SENTENARYO ay sa Kawit, Cavite. Ang kasing-kahulugan ng salitang nasa malalaking letra ay:
A Panghabang panahon
B Ika- 25 taon
C Ikasandaang taon
D Ika-50 taon
Answer: Ikasandaang taon
#36. “Ang sinuman ay makabubuo ng matibay na lubid kung pagsasama-samahin ang sinulid.” Ang ibig sabihin nito ay?
A Kailangan magkaisa tayong lahat.
B Magkakaiba ang mga tao kaya hirap magkaisa.
C Ang lakas ng tao ay nasa pagkakaisa nila.
D Nagkakaisa ang mga tao.
Answer: Ang lakas ng tao ay nasa pagkakaisa nila.
#37. MALIIT ANG SISIDLAN ni Dian kaya iniiwasan siyang tuksuhin ng mga kasama. Ano ang ibig sabihin nito?
A Walang galang
B Walang lakas ng loob
C Walang pasensya
D Walang pagtitimpi
Answer: Walang pasensya
#38. Siya’y isang bulag ngunit kaya niyang gumuhit ng larawan. Siya’y isang ___________________
A Imbentor
B Manunulat
C Dalubhasa
D Pintor
Answer: Pintor
#39. Anong hukuman ang siyang _____________ ng mga kaso ng korupsyon.
A Court of Appeals-manglilitis
B Sandigan Bayan-naglilitis
C Korte Suprema-maglilitis
D Ombudsman-tagapaglitis
Answer: Sandigan Bayan-naglilitis