Education Exams (Educ Fil) – Page 3

#40. _________________ mo naman sa kanila na magdala ng mapagsasaluhan.
A Pakiusap
B Usapin
C Usap-usapan
D Ipakiusap
Answer: Ipakiusap
#41. “Gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito ay may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan.” (Luk 16:9)
A Mga israelita lamang
B Apostoles
C Dukha
D Katauhan
Answer: Katauhan
#42. Ano ang pangungusap na dapat mauna?
I. Ngunit ang pagtatalo ay hindi dapat nauuwi sa pagkakagalit.
II. Natural lamang ang pagkakaroon ng magkakaibang pala-palagay ang mga tao.
III. Sa mga mag-asawa man ay hindi maiiwasan ang pagkakaiba ng opinyon.
IV. Kahit sa magkakapatid, karaniwan na ang hindi pagkakasundo.
V. Upang maiwasan ito, nararapat lamang na maging bukas ang ating isipan sa paniniwala ng iba.
A I
B II
C II
D IV
Answer: II
#43. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang na kasingkahulugan ng salitang pala-palagay?
A Kuru-kuro
B Opinyon.
C Paniniwala
D Akala
Answer: Paniniwala
#44. May pera sa basura. Huwag mong pagtakhan iyan. Isa-isahin mo ang laman ng iyong basurahan. Tiyak na may papel na walang sulat sa likod at maaari mo pa itong sulatan. Kung minsan, may mga papel at notebook na may sulat pero pwede mo namang ipagbili. May mga bukas na lata na maaari mo rin namang tamnan o kaya’y pwedeng balutin ng wrapping paper upang paglagyan ng lapis, bolpen, krayola, aspile o kaya’y pako. Ang pinagbalatan ng sibuyas, patatas at saging, sanga ng kangkong, tira-tirang pagkain ay maaaring maging pagkain ng baboy at maaari rin itong maging pataba sa lupa. Tunay na may pera sa basura kung magtitiyaga lamang at magiging malikhan upang ang patapong mga bagay ay maging kapaki-pakinabang. Anong uri ng texto ang seleksyong binasa?
A Narativ
B Argumentativ
C Prosijural
D Informativ
Answer: Informativ
#45. ____________ magtrabaho sina Fred at Jose.
A Magkasingbilis
B Magkasimbilis
C Napabilis
D Magkasinbilis
Answer: Magkasingbilis
#46. Samahan mo si Lola sa palengke _____ hindi maligaw.
A kung saan
B ng
C nang
D noong
Answer: nang
#47. Upang lalong maging ______________ ang patakaran ng Pangulo na mabago ang pamamalakad sa bansa, ipinasya niyang magkaroon ng pagbabagong tatag sa lahat ng sangay ng pamahalaan.
A tanyag
B mabisa
C marangal
D malinaw
Answer: mabisa
#48. Nakalulungkot isipin na ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay ______________ sa masamang bisyo.
A nalalayo
B nababalisa
C nabubuyo
D nababalot
Answer: nabubuyo
#49. ________ ng mga pulis ang kadena sa kanyang mga kamay.
A Nalagyan
B Nilagyan
C Inilagay
D Naglagay
Answer: Inilagay
#50. Ito ay sinulat ni Harriet Stowe ng Estados Unidos na tumawag ng pansin sa kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng simulain ng demokrasya.
A Divina Comedia
B Uncle Tom’s Cabin
C Sa May Dakong Bukid
D Book of the Dead
Answer: Uncle Tom’s Cabin
#51. Ito’y isang mahabang tulang pang – awit bilang handog sa iang dalagang may kaarawan. Kilala rin ito sa Katagalugan dahil sa pagpuputong ng koronang bulaklak sa dalaga.
A Ang Panuluyan
B Ensilida
C Kurido
D Ang Panubong
Answer: Ang Panubong
#52. Isang uri ng tula na binubuo ng labindalawang pantig bawat taludtod sa isang saknong at inaawit ito ngang marahan. Pangunahing halimbawa ay ang “ Florante at Laura.”
A Balagtasan
B Kurido
C Awit
D Dulaan
Answer: Awit
#53. Isa sa mga ito ang kilalang isa sa malimit banggitin bilang tungkod ng tulang Tagalog.
A Manuel Bautista
B Virgilio S. Almario
C Miguel de Cervantes
D Jose dela Cruz
Answer: Jose dela Cruz
#54. Sinulat ito ni Rizal na tumalakay sa mga suliraning panlipunan ng bayan.
A El Filibusterismo
B Mi Ultimo Adios
C Noli Me Tangere
D Ang Inang Bayan
Answer: Noli Me Tangere
#55. Ang may – akda ng kauna unahang aklat na nilimbag sa Pilipinas, ang “Doctrina Kristiana.”
A Fr. Modesto de Castro
B Fr. Miguel Bustamante
C Fr. Domingo de Nieva
D Fr. Jose Gomez
Answer: Fr. Domingo de Nieva
#56. Isa sa mga it ay hindi kabilang sa ating matandang panitikan.
A kuwentong – bayan
B alamat
C moro – moro
D kantahing – bayan
Answer: moro – moro
#57. Tinuturing na pinakamatandang epiko ng pilipinas.
A Iblalon
B Si Malakas at Maganda
C Biag ni Lam – Ang
D Alim
Answer: Alim
#58. Ang titik para sa “Himno Nacional Filipino” ay nilikha ni?
A Julian Felipe
B Julian Balmaceda
C Jose Palma
D Julian Panganiban
Answer: Jose Palma
#59. Ang “Kodigo ni kalantiaw” ay naglalaman ng?
A kasunduang pang – pulitikal
B batas ng kagandahang asal
C batas na dapat sundin ng mga mamamayan
D pamantayan para maayos na pamumuhay
Answer: batas na dapat sundin ng mga mamamayan