Education Exams (Educ Fil) – Page 4

#60. Ang akdang hindi nauukol sa relihiyon noong panahon ng Kastila
A senakulo
B panuluyan
C dalit
D panubog
Answer: panubog
#61. Naglalaman ng mga butyl ng karunungang kinapapalooban ng mabuting payo hango sa tunay na karanasan ng ating mga ninuno.
A palaisipan
B salawikain
C talinghaga
D pabula
Answer: salawikain
#62. Ang Katotohanan inihayag sa awiting “Florante at Laura” ni Balagtas.
A katiwalian ng mga Kastila
B pag – iibigan ng mga magka – ibang lahi
C kahirapan sa buhay
D buhay pangangalakal noon panahon ng Kastila
Answer: katiwalian ng mga Kastila
#63. Dahilan kong bakit nagging masigla ang pagsulat ng mga Pilipino ssa magasing “liwayway” nuong panahon ng Hapon.
A malaya silang sumulat
B paraan ng pamumuhay
C mapayapa ang panahon
D nabigyan ng pagpapahalaga ang sariling wika
Answer: nabigyan ng pagpapahalaga ang sariling wika
#64. Ang “Urbana at Felisa” na isinulat ni Modesto de Castro, ay naglalaman ng magagandang asal ng mga Pilipino tungkol sa
A magandang relasyon ng makakapatid
B pakikipagkapwa, paggalang sa magulang at pagkilala sa Diyos
C pagtupad ng tungkulin sa bayan
D pagkilala sa karapatan ng kapwa
Answer: pakikipagkapwa, paggalang sa magulang at pagkilala sa Diyos
#65. Ano ang kahulugan na nais iparating ng talatang ito hango sa “Sa Bagong Paraiso” ni Efren Abueg?” At ang pamumulaklak at pamumunga ng manga, santol, sinegwelas at ng iba pang punungkahoy o halaman sa loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at muling sinibulan ng bagong supling.”
A Malulusog ang pananim sa lalawigan
B Mas masarap manirahan sa lalawigan
C Patuloy ang paglipas ng panahon
D Panahon ng tag – araw
Answer: Patuloy ang paglipas ng panahon
#66. Ano ang nais iparating ni Jose Rizal sa talatang ito hango sa kanyang “Noli Me Tangere”;”Mamatay akong di – man Nakita ang mangingining na pagbubukang – liwayway sa aking Inang Bayan. Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi.”
A pagpapa-walang halaga sa paghihirap ng mga bayani.
B pagkawala ng pag-asa dahil sa mga nangyari sa bayan
C pag-asa sa kalayaan at paggunita sa mga taong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan
D Malawakang kalungkutan nadarama sa pagkawala ng pag asa
Answer: pag-asa sa kalayaan at paggunita sa mga taong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan
#67. Karaniwang tauhan ng akdang ito ay mga hayop na ang layunin ay ipa-alam ang mga kaugaliang dapat pamarisan.
A kwentong bayan
B parabula
C pabula
D alamat
Answer: pabula
#68. Sa mga saknong na ito hango sa “Florante at Laura” ni Balagtas, ano ang kahulugan nito? “Katiwala ako’t ang inyong kariktan; Kapilas ng langit, anaki’y matibay; Tapat ang puso mo’t di-nagunamgunam; Na ang paglililo’y nasa kagandahan”
A Maaring pagtakpan ng kagandahan ang isang kataksilan
B Ang kagandahan ay maaaring makalinlang ng tao
C Pisikal na kagandahan ay maaring magpahiwatig rin ng kagandahang asal
D Kagandahan ay maari ring maging batayan ng pagtitiwala sa katapan ng tao
Answer: Ang kagandahan ay maaaring makalinlang ng tao
#69. Anong ayos ng pantig and ginagamit sa salitang “daigdig”?
A KPPKKPK
B LLPPKPP
C KPPPKPP
D KKPKPPK
Answer: KPPKKPK
#70. “ Lumipad patungong Estados Unidos si Jose noong Sabado. Ano ang ________________. Mong pasalubong para sa kanila? Tanong ni Juana:
A Nadala
B Ipinadala
C Dinala
D Padadala
Answer: Ipinadala
#71. “Walang dapat sisihin sa nangyari kundi siya,” Ano ang ayos ng pangungusap?
A payak
B karaniwan
C walang paksa
D ganapan
Answer: karaniwan
#72. Piliin ang mga sumusunod and pinakatamang pangungusap.
A Nahuli ako sa pagpasok kasi nasira ang sasakyan ko
B Nasira ang sasakyan ko kaya nahuli ako sa pagpasok
C Nahuli sa pagpasok ko dahil nasira ang sasakyan
D Nasira ang sasakyan kaya nahuli ako sa pagpasok
Answer: Nasira ang sasakyan kaya nahuli ako sa pagpasok
#73. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap.
A Anak ng isang actor ang siyang nanalo ng Bb. Pilipinas Universe.
B Bb. Pilipinas Universe na anak ng isang actor ang nanalo
C Anak ng isang actor ang nanalong Bb. Pilipinas Universe.
D Ang nanalo bilang Bb. Pilipinas Universe ay anak ng isang aktor.
Answer: Anak ng isang actor ang nanalong Bb. Pilipinas Universe.
#74. Si Lope K. Santos ay tinuguriang “ _______________” sa dahilang siya ang kauna – unahang sumulat ng Balarila ng Wikang Pambansa na batay sa tagalog.
A Ama ng Wikang Pambansa
B Ama ng Balarilang Pilipino
C Ama ng Wikang Pilipino
D Ama ng Dalubhasang Pilipino
Answer: Ama ng Balarilang Pilipino
#75. Ang sagisag na panulat ni Andress Bonifacio.
A Anak – Pawis
B Anak – Bayan
C Anak – Dalita
D Husing Sisiw
Answer: Anak – Bayan
#76. Sagisag na hindi kailanman ginamit ni Marcelo H. del Pilar sa pagsulat.
A Piping Dilat
B Dolores Manapat
C Kinting Kulirat
D Basang Sisiw
Answer: Kinting Kulirat
#77. “Kasingganda ni Teresita and nanalong Bb. San Luis,” Ayon kay Mayor Santos.
A Pamilang
B Magkatulad
C Di – magkatulad
D Panukdulan
Answer: Magkatulad
#78. Isang balangkas ng mga layunin, paksang aralin, kagamitan at mga hakbang na dapat isagawa para isakatuparan ang mga layunin nito at matamo ang nais mangyari.
A modyul sa pagtuturo
B banhay ng pagtuturo
C Batayan
D “table of specification”
Answer: banhay ng pagtuturo
#79. Ang dapat maging panuto ng isang guro upang masukat ang kaalaman ng mag – aaral sa pagbuo ng isang tama at mabisang pangungusap.
A Alamin ang buod upang makamit ng mga salitang angkop sa pangungusap
B Pag – ayos sa mga lipon ng salita upang makabuo ng mabisang pangungusap
C Pag – ayos sa bawat salita upang makabuo ng mabisang pangungusap
D Paglagay ng bilang sa bawat salita upang makabuo ng tamang pangungusap
Answer: Pag – ayos sa bawat salita upang makabuo ng mabisang pangungusap