#20.
Siya ay hinirang na taga-sensus ng bahay-bahay. Ano ang kanyang nalikom?
A
Ang bilang ng tao sa bahay
B
Ang kayamanan ng may-bahay
C
Ang datos tungkol sa mga naninirahan sa bawat bahay
D
Ang datos tungkol sa mga bata sa bawat bahay
Answer: Ang datos tungkol sa mga naninirahan sa bawat bahay
#21.
Kami ang kabataang siyang magiging pag-asa ng bayan. Paano ginamit ang salitang may salungguhit?
A
Pagpuri
B
Pagtukoy
C
Panghalip
D
Pagmamalaki
Answer: Pagtukoy
#22.
Walang tubig kahapon. Ito ay pangungusap na:
A
Walang paksa
B
May paksa
C
May panaguri
D
Walang pandiwa
Answer: Walang paksa
#23.
Ipinagmamalaki mo siya, BAHAG naman pala ang kanyang BUNTOT. Ang ibig sabihin ng salitang may malaking titik
ay:
A
Kuripot
B
Duwag
C
Mahiyain
D
Traydor
Answer: Duwag
#24.
Sabihin ang gawi ng pananalitang ito: “Bawal tumawid, may namatay na dito!
A
Babala
B
Pananakot
C
Pagtukoy
D
Paalala
Answer: Babala
#25.
Pinakamahalagang nobelang Pilipino sa maraming taon na nalimbag noong 1906 at tumalakay nang masinsinan sa
paksang puhunan laban paggawa at sa sosyalismo ang _____.
A
Luha ng Buwaya
B
Pangginggera
C
Banaag at Sikat
D
Ibong Mandarag
Answer: Banaag at Sikat
#26.
Ayon kay Balagtas, “ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad” kaya ang mga bata ay
A
nakapagtatapos sa pag-aaral
B
nag-aartista
C
jeproks
D
hindi sumusunod sa magulang
Answer: hindi sumusunod sa magulang
#27.
Noong taong 1962, ano ang pagbabago sa paglimbag ng diploma at sertipiko ng pagtatapos?
A
Nilimbag sa Tagalog ang diploma sa di-Tagalog na bayan
B
Nalimbag sa Filipino ang diploma
C
Nilimbag sa Filipino ang diploma ngunit may Ingles
D
Pinahihintutan ang pribadong paaralan na maglimbag sa wikang Ingles
Answer: Nalimbag sa Filipino ang diploma
#28.
Ang gintong panahon ng mga manunulat noong panahon ng Amerikano ay batid sa uring
A
Sanaysay
B
Panulaan
C
Maikling kwento
D
Nobela
Answer: Maikling kwento
#29.
Alin sa mga sumusunod ang may wastong gamit ng tinig ng pandiwa?
A
Ang hinog na papaya na kinuha sa puno ni Marie.
B
Kinuha sa puno ang hinog na papaya ni Marie.
C
Papayang hinog ang kinuha sa puno ni Marie.
D
Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno.
Answer: Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno.
#30.
Hindi totoo ang katapangan na ipinapakita ni Vincent sa harap ni Lalie sapagkat BAHAG ANG BUNTOT niya sa harap ng
paghihirap.
A
Matiyaga
B
Malakas ang loob
C
Duwag
D
Matapang
Answer: Duwag
#31.
NAG-ALSA BALUTAN si Claudia dahil sa malimit umanong pananakit ni Reymar.
A
Nagmaktol
B
Nagtago
C
Lumayas
D
Nagtampo
Answer: Lumayas
#32.
Ang ________________ ng mga Nars ay dininig ng komite kahapon.
A
Pakiusap
B
Ipakiusap
C
Pakikipag-usap
D
Pakiusapan
Answer: Pakiusap
#33.
Lumapit si Prink kay Eadji at sinabing, “ __________ mo si Landon ng pagkain sa kusina.”
A
Utusan
B
Hanapan
C
Kunan
D
Kunin
Answer: Kunan
#34.
Nakatulog si Jana sa kanilang opisina dahil sa HIMINGTING ng kapaligiran. Ano ang kahulugan ng salita na nasa
malalaking letra?
A
Kapayapaan
B
Lakas ng hangin
C
Kaingay
D
Katahimikan
Answer: Katahimikan
#35.
Ang sentro ng pagdiriwang ng SENTENARYO ay sa Kawit, Cavite. Ang kasing-kahulugan ng salitang nasa malalaking
letra ay:
A
Panghabang panahon
B
Ika- 25 taon
C
Ikasandaang taon
D
Ika-50 taon
Answer: Ikasandaang taon
#36.
“Ang sinuman ay makabubuo ng matibay na lubid kung pagsasama-samahin ang sinulid.” Ang ibig sabihin nito ay?
A
Kailangan magkaisa tayong lahat.
B
Magkakaiba ang mga tao kaya hirap magkaisa.
C
Ang lakas ng tao ay nasa pagkakaisa nila.
D
Nagkakaisa ang mga tao.
Answer: Ang lakas ng tao ay nasa pagkakaisa nila.
#37.
MALIIT ANG SISIDLAN ni Dian kaya iniiwasan siyang tuksuhin ng mga kasama. Ano ang ibig sabihin nito?
A
Walang galang
B
Walang lakas ng loob
C
Walang pasensya
D
Walang pagtitimpi
Answer: Walang pasensya
#38.
Siya’y isang bulag ngunit kaya niyang gumuhit ng larawan. Siya’y isang ___________________
A
Imbentor
B
Manunulat
C
Dalubhasa
D
Pintor
Answer: Pintor
#39.
Anong hukuman ang siyang _____________ ng mga kaso ng korupsyon.